Lucas 13

Bastaʼt kailangan kong ipagpatuloy ang aking paglalakbay ngayon, bukas at sa makalawa, dahil hindi dapat mamatay ang isang propeta sa labas ng Jerusalem.

Luke 13:33 (UKJV) Nevertheless I must walk to day, and tomorrow, and the day following: for it cannot be that a prophet perish out of Jerusalem.

31Nang mga sandaling iyon, dumating ang ilang Pariseo at sinabi kay Hesus, “Umalis na po kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.”

32Sumagot si Hesus, “Sabihin ninyo sa asong-gubat na iyon na patuloy akong magpapalayas ng masasamáng espiritu at magpapagaling ng may sakit ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay tatapusin ko na ang gawain ko.

33Bastaʼt kailangan kong ipagpatuloy ang aking paglalakbay ngayon, bukas at sa makalawa, dahil hindi dapat mamatay ang isang propeta sa labas ng Jerusalem.

34“Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propetang isinugo ng Diyos sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin gaya ng isang inahing manok na nagtitipon at nagkakanlong ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo.

35Kaya bahala na kayo sa sarili ninyo. Sapagkat hindi nʼyo na ako makikita hanggang sa dumating ang panahon na sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.’”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.