Lucas 14

Nang handa na ang lahat, inutusan niya ang mga alipin niya na sunduin ang mga inimbita at sabihin sa kanila, ‘Tayo na, handa na ang lahat.’

Luke 14:17 (UKJV) And sent his servant at supper time to say to them that were bidden, Come; for all things are now ready.

15Nang marinig iyon ng isa sa mga nakaupo sa may mesa, sinabi niya kay Hesus, “Pinagpala ang taong makakasalo sa handaan sa kaharian ng Diyos!”

16Kinuwentuhan siya ni Hesus ng ganito, “May isang taong naghanda ng isang malaking pagdiriwang, at nag-imbita siya ng marami.

17Nang handa na ang lahat, inutusan niya ang mga alipin niya na sunduin ang mga inimbita at sabihin sa kanila, ‘Tayo na, handa na ang lahat.’

18“Ngunit nagdahilan ang bawat naimbitahan. Sinabi ng isa, ‘Pasensya na. Nakabili ako ng lupa at kailangan kong puntahan at tingnan.’

19“Sabi naman ng isa, ‘Nakabili kasi ako ng sampung bakang pang-araro, at gusto ko silang subukan. Pasensya na.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.