Lucas 14

“Ngunit nagdahilan ang bawat naimbitahan. Sinabi ng isa, ‘Pasensya na. Nakabili ako ng lupa at kailangan kong puntahan at tingnan.’

Luke 14:18 (UKJV) And they all with one consent began to make excuse. The first said unto him, I have bought a piece of ground, and I must essentially go and see it: I pray you have me excused.

16Kinuwentuhan siya ni Hesus ng ganito, “May isang taong naghanda ng isang malaking pagdiriwang, at nag-imbita siya ng marami.

17Nang handa na ang lahat, inutusan niya ang mga alipin niya na sunduin ang mga inimbita at sabihin sa kanila, ‘Tayo na, handa na ang lahat.’

18“Ngunit nagdahilan ang bawat naimbitahan. Sinabi ng isa, ‘Pasensya na. Nakabili ako ng lupa at kailangan kong puntahan at tingnan.’

19“Sabi naman ng isa, ‘Nakabili kasi ako ng sampung bakang pang-araro, at gusto ko silang subukan. Pasensya na.’

20“At sinabi naman ng isa pa, ‘Bagong kasal ako, kaya hindi ako makakadalo.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.