Lucas 14

“At sinabi naman ng isa pa, ‘Bagong kasal ako, kaya hindi ako makakadalo.’

Luke 14:20 (UKJV) And another said, I have married a wife, and therefore I cannot come.

18“Ngunit nagdahilan ang bawat naimbitahan. Sinabi ng isa, ‘Pasensya na. Nakabili ako ng lupa at kailangan kong puntahan at tingnan.’

19“Sabi naman ng isa, ‘Nakabili kasi ako ng sampung bakang pang-araro, at gusto ko silang subukan. Pasensya na.’

20“At sinabi naman ng isa pa, ‘Bagong kasal ako, kaya hindi ako makakadalo.’

21“Kaya umuwi ang alipin, at ibinalita ang lahat sa amo niya. Nagalit ang amo at inutusan niyang muli ang alipin niya, ‘Sige, pumunta ka sa mga kalsada at mga eskinita ng bayan at dalhin mo rito ang mga mahihirap, mga lumpo, mga bulag at mga pilay.’

22“Nang matupad iyon ng alipin, bumalik siya sa amo niya at sinabi, ‘Nagawa ko na po ang iniutos ninyo, pero maluwag pa.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.