Lucas 14

“Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay katulad ng isang tao na nagbabalak magtayo ng isang tore. Una, iisipin niya muna kung magkano ang magagastos niya sa pagpapatayo at kung may sapat siyang perang gagastusin hanggang sa matapos ito.

Luke 14:28 (UKJV) For which of you, intending to build a tower, sits not down first, and counts the cost, whether he have sufficient to finish it?

26“Ang sinumang nais sumunod sa akin, ngunit mas mahalaga sa kanya ang kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid at maging ang kanyang buhay ay hindi maaaring maging alagad ko.

27Ang sinumang ayaw sumunod sa akin dahil natatakot siyang mamatay para sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.

28“Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay katulad ng isang tao na nagbabalak magtayo ng isang tore. Una, iisipin niya muna kung magkano ang magagastos niya sa pagpapatayo at kung may sapat siyang perang gagastusin hanggang sa matapos ito.

29Sapagkat kung hindi niya ito gagawin, baka hanggang pundasyon lang ang maipagawa niya at hindi na matapos. Kaya pagtatawanan siya ng makakakita nito.

30Sasabihin nila, ‘Nagpatayo ng tore ang taong ito pero hindi nakayang ipatapos.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.