28“Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay katulad ng isang tao na nagbabalak magtayo ng isang tore. Una, iisipin niya muna kung magkano ang magagastos niya sa pagpapatayo at kung may sapat siyang perang gagastusin hanggang sa matapos ito.
29Sapagkat kung hindi niya ito gagawin, baka hanggang pundasyon lang ang maipagawa niya at hindi na matapos. Kaya pagtatawanan siya ng makakakita nito.
30Sasabihin nila, ‘Nagpatayo ng tore ang taong ito pero hindi nakayang ipatapos.’
31“Katulad din ng isang hari na gustong makipagdigma sa kanyang kapwa hari. Dapat isipin muna niya kung makakayanan ng 10,000 sundalo niya ang 20,000 sundalo ng kanyang kaaway.
32At kung sa palagay niyaʼy hindi niya kaya, magpapadala na lang siya ng mga kinatawan para makipagkasundo bago dumating ang kanyang kaaway.