Lucas 14

“Katulad din ng isang hari na gustong makipagdigma sa kanyang kapwa hari. Dapat isipin muna niya kung makakayanan ng 10,000 sundalo niya ang 20,000 sundalo ng kanyang kaaway.

Luke 14:31 (UKJV) Or what king, going to make war against another king, sits not down first, and consults whether he be able with ten thousand to meet him that comes against him with twenty thousand?

29Sapagkat kung hindi niya ito gagawin, baka hanggang pundasyon lang ang maipagawa niya at hindi na matapos. Kaya pagtatawanan siya ng makakakita nito.

30Sasabihin nila, ‘Nagpatayo ng tore ang taong ito pero hindi nakayang ipatapos.’

31“Katulad din ng isang hari na gustong makipagdigma sa kanyang kapwa hari. Dapat isipin muna niya kung makakayanan ng 10,000 sundalo niya ang 20,000 sundalo ng kanyang kaaway.

32At kung sa palagay niyaʼy hindi niya kaya, magpapadala na lang siya ng mga kinatawan para makipagkasundo bago dumating ang kanyang kaaway.

33Gayundin naman, kung hindi ninyo magawang talikuran ang lahat ng nasa inyo ay hindi kayo maaaring maging alagad ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.