4Ngunit wala ni isa ang nakasagot, kaya hinawakan ni Hesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi.
5Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Halimbawaʼy nahulog ang inyong anak o ang inyong baka sa isang balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan nʼyo na lang ba ito? Siyempre, iaahon nʼyo agad, hindi ba?”
6Hindi sila nakasagot sa kanyang tanong.
7Napansin ni Hesus na ang mga bisita sa handaan ay nag-uunahan sa mga upuang pandangal, kaya pinangaralan niya ang mga ito,
8“Kapag inimbita ka sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang upuang pandangal, dahil baka may inimbitang mas marangal pa kaysa sa iyo.