5Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Halimbawaʼy nahulog ang inyong anak o ang inyong baka sa isang balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan nʼyo na lang ba ito? Siyempre, iaahon nʼyo agad, hindi ba?”
6Hindi sila nakasagot sa kanyang tanong.
7Napansin ni Hesus na ang mga bisita sa handaan ay nag-uunahan sa mga upuang pandangal, kaya pinangaralan niya ang mga ito,
8“Kapag inimbita ka sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang upuang pandangal, dahil baka may inimbitang mas marangal pa kaysa sa iyo.
9At lalapitan ka ng nag-imbita sa iyo at sasabihin, ‘Ibigay mo sa taong ito ang upuan mo.’ Kaya mapapahiya ka at uupo na lang sa upuan ng mga karaniwang tao.