Lucas 15

“Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon ay winaldas niya ang lahat sa walang kuwentang pamumuhay.

Luke 15:13 (UKJV) And not many days after the younger son gathered all together, and took his journey into a far country, and there wasted his substance with riotous living.

11Nagpatuloy si Hesus, “May isang ama na may dalawang anak na lalaki.

12Sinabi ng bunso sa kanyang ama, ‘Ama, gusto ko na pong kunin ang bahaging mamanahin ko.’ Kaya hinati ng ama ang ari-arian niya sa dalawa niyang anak.

13“Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon ay winaldas niya ang lahat sa walang kuwentang pamumuhay.

14Nang maubos na ang pera niya, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at naghirap siya.

15Kaya namasukan siya bilang tagapag-alaga ng baboy sa isang tagaroon at ipinadala siyang magpakain ng mga baboy sa kanyang bukid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.