Lucas 15

Sumagot ang utusan, ‘Dumating ang kapatid ninyo kaya ipinakatay ng inyong ama ang pinatabang baka para ihanda, dahil bumalik siyang ligtas at nasa mabuting kalagayan.’

Luke 15:27 (UKJV) And he said unto him, Your brother has come; and your father has killed the fatted calf, because he has received him safe and sound.

25“Samantala, nasa bukid noon ang panganay na anak at nagtatrabaho. Nang pauwi na siya at malapit na sa kanila, narinig niya ang tugtugan at sayawan sa bahay nila.

26Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Anoʼng mayroon sa bahay?’

27Sumagot ang utusan, ‘Dumating ang kapatid ninyo kaya ipinakatay ng inyong ama ang pinatabang baka para ihanda, dahil bumalik siyang ligtas at nasa mabuting kalagayan.’

28“Nagalit ang panganay at ayaw pumasok sa bahay. Kaya pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapang pumasok.

29Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko po kayo nang tapat sa loob ng maraming taon at kailanmaʼy hindi ko sinuway ang utos ninyo. Ngunit kahit minsan ay hindi po ninyo ako binigyan ng kahit isang batang kambing para makapaghanda ako at makapagsaya kasama ang mga kaibigan ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.