Lucas 16

Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Nagbabanal-banalan kayo sa harap ng mga tao pero alam ng Diyos kung ano talaga ang nilalaman ng inyong puso. Sapagkat ang mga bagay na itinuturing ng tao na mahalaga ay kasuklam-suklam sa mata ng Diyos.

Luke 16:15 (UKJV) And he said unto them, All of you are they which justify yourselves before men; but God knows your hearts: for that which is highly esteemed among men is abomination in the sight of God.

13“Walang aliping makapaglilingkod nang sabay sa dalawang amo. Sapagkat tatanggihan niya ang isa at susundin naman ang isa, magiging tapat siya sa isa at tatalikuran ang isa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.”

14Nang marinig iyon ng mga Pariseo, kinutya nila si Hesus dahil mahal nila ang salapi.

15Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Nagbabanal-banalan kayo sa harap ng mga tao pero alam ng Diyos kung ano talaga ang nilalaman ng inyong puso. Sapagkat ang mga bagay na itinuturing ng tao na mahalaga ay kasuklam-suklam sa mata ng Diyos.

16“Bago dumating si Juan na Tagapagbautismo, ang Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ang siyang sinusunod ng mga tao. Ngunit mula nang dumating si Juan, ipinangangaral na ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at marami ang nagpupumilit na maging sakop nito.

17Gayunpaman, hindi ibig sabihin ay wala nang kabuluhan ang Kautusan, dahil mas madali pang mawala ang langit at lupa kaysa sa mawalan ng kabuluhan kahit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.