Lucas 16

Gayunpaman, hindi ibig sabihin ay wala nang kabuluhan ang Kautusan, dahil mas madali pang mawala ang langit at lupa kaysa sa mawalan ng kabuluhan kahit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan.

Luke 16:17 (UKJV) And it is easier for heaven and earth to pass, than one tittle of the law to fail.

15Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Nagbabanal-banalan kayo sa harap ng mga tao pero alam ng Diyos kung ano talaga ang nilalaman ng inyong puso. Sapagkat ang mga bagay na itinuturing ng tao na mahalaga ay kasuklam-suklam sa mata ng Diyos.

16“Bago dumating si Juan na Tagapagbautismo, ang Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ang siyang sinusunod ng mga tao. Ngunit mula nang dumating si Juan, ipinangangaral na ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at marami ang nagpupumilit na maging sakop nito.

17Gayunpaman, hindi ibig sabihin ay wala nang kabuluhan ang Kautusan, dahil mas madali pang mawala ang langit at lupa kaysa sa mawalan ng kabuluhan kahit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan.

18“Ang lalaking hiniwalayan ang asawa at nag-asawa ng iba ay nagkasala siya ng pangangalunya. At ang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.

19“May isang mayamang lalaki na nakasuot ng mamahaling damit at kumakain ng masasarap na pagkain araw-araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.