Lucas 16

“Ang lalaking hiniwalayan ang asawa at nag-asawa ng iba ay nagkasala siya ng pangangalunya. At ang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.

Luke 16:18 (UKJV) Whosoever puts away his wife, and marries another, commits adultery: and whosoever marries her that is put away from her husband commits adultery.

16“Bago dumating si Juan na Tagapagbautismo, ang Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ang siyang sinusunod ng mga tao. Ngunit mula nang dumating si Juan, ipinangangaral na ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at marami ang nagpupumilit na maging sakop nito.

17Gayunpaman, hindi ibig sabihin ay wala nang kabuluhan ang Kautusan, dahil mas madali pang mawala ang langit at lupa kaysa sa mawalan ng kabuluhan kahit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan.

18“Ang lalaking hiniwalayan ang asawa at nag-asawa ng iba ay nagkasala siya ng pangangalunya. At ang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.

19“May isang mayamang lalaki na nakasuot ng mamahaling damit at kumakain ng masasarap na pagkain araw-araw.

20May isa namang pulubing puno ng pigsa ang katawan na ang pangalan ay Lazaro. Dinadala siya sa labas ng pintuan ng bakuran ng mayaman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.