21Gusto niyang makakain kahit ng mga mumong nahuhulog mula sa mesa ng mayaman. Nilalapitan siya roon ng mga aso at dinidilaan ang mga pigsa niya sa katawan.
22“Namatay ang pulubi at dinala siya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing,
23at dinala ito sa mundo ng mga patay. Habang nagdurusa siya roon, nakita niya sa malayo si Lazaro na kasama ni Abraham.
24Kaya tumawag siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin! Utusan nʼyo po si Lazaro na isawsaw ang daliri niya sa tubig at ipatak sa dila ko para lumamig-lamig ang pakiramdam ko, dahil hirap na hirap na ako rito sa apoy.’
25“Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong noong nabubuhay ka pa sa lupa ay mabuti ang kalagayan mo pero si Lazaro ay hirap na hirap. Ngayon naman ay inaaliw siya rito at ikaw naman ang nahihirapan.