Lucas 16

Gusto niyang makakain kahit ng mga mumong nahuhulog mula sa mesa ng mayaman. Nilalapitan siya roon ng mga aso at dinidilaan ang mga pigsa niya sa katawan.

Luke 16:21 (UKJV) And desiring to be fed with the crumbs which fell from the rich man's table: moreover the dogs came and licked his sores.

19“May isang mayamang lalaki na nakasuot ng mamahaling damit at kumakain ng masasarap na pagkain araw-araw.

20May isa namang pulubing puno ng pigsa ang katawan na ang pangalan ay Lazaro. Dinadala siya sa labas ng pintuan ng bakuran ng mayaman.

21Gusto niyang makakain kahit ng mga mumong nahuhulog mula sa mesa ng mayaman. Nilalapitan siya roon ng mga aso at dinidilaan ang mga pigsa niya sa katawan.

22“Namatay ang pulubi at dinala siya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing,

23at dinala ito sa mundo ng mga patay. Habang nagdurusa siya roon, nakita niya sa malayo si Lazaro na kasama ni Abraham.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.