Lucas 16

“Sinabi pa ng mayaman, ‘Kung ganoon, Amang Abraham, nakikiusap ako sa inyo, papuntahin po ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama

Luke 16:27 (UKJV) Then he said, I pray you therefore, father, that you would send him to my father's house:

25“Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong noong nabubuhay ka pa sa lupa ay mabuti ang kalagayan mo pero si Lazaro ay hirap na hirap. Ngayon naman ay inaaliw siya rito at ikaw naman ang nahihirapan.

26Isa pa, hindi maaari ang sinabi mo dahil may malawak na bangin sa pagitan natin. Ang mga nandito sa amin na gustong pumunta diyan ay hindi makakatawid, at ang mga nariyan sa inyo ay hindi rin makakatawid dito.’

27“Sinabi pa ng mayaman, ‘Kung ganoon, Amang Abraham, nakikiusap ako sa inyo, papuntahin po ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama

28upang bigyan ng babala ang lima kong kapatid na lalaki tungkol sa lugar na ito ng paghihirap, nang hindi sila mapunta rito.’

29“Sumagot si Abraham, ‘Nasa kanila ang mga isinulat ni Moises at ng mga propeta. Dapat nilang pakinggan ang mga iyon.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.