9Hindi pinasasalamatan ang alipin dahil ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin.
10Ganoon din naman sa inyo. Pagkatapos ninyong gawin ang mga iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Mga alipin lamang kami, at hindi nararapat papurihan dahil ginagawa lang namin ang aming tungkulin.’ ”
11Sa paglalakbay ni Hesus papuntang Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Galilea at Samaria.
12Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo
13at sumigaw kay Hesus, “Panginoong Hesus, maawa po kayo sa amin!”