Lucas 17

Mas mabuti pang talian na lang siya ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito.

Luke 17:2 (UKJV) It were better for him that a millstone were hanged about his neck, and he cast into the sea, than that he should offend one of these little ones.

1Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Hindi maiiwasan ang pagdating ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng tao. Ngunit nakakaawa ang taong magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa.

2Mas mabuti pang talian na lang siya ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito.

3Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo.

4Kahit pitong beses pa siyang magkasala saʼyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo pa rin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.