Lucas 17

Kahit pitong beses pa siyang magkasala saʼyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo pa rin.”

Luke 17:4 (UKJV) And if he trespass against you seven times in a day, and seven times in a day return to you, saying, I repent; you shall forgive him.

2Mas mabuti pang talian na lang siya ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito.

3Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo.

4Kahit pitong beses pa siyang magkasala saʼyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo pa rin.”

5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.”

6Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa malaking punong ito, ‘Mabunot ka at malipat sa dagat!’ At susundin kayo nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.