Lucas 17

Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.”

Luke 17:5 (UKJV) And the apostles said unto the Lord, Increase our faith.

3Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo.

4Kahit pitong beses pa siyang magkasala saʼyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo pa rin.”

5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.”

6Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa malaking punong ito, ‘Mabunot ka at malipat sa dagat!’ At susundin kayo nito.

7“Halimbawa, may alipin kayong nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa at kararating lang niya mula sa trabaho niya. Bilang amo sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika na, maupo ka at kumain’?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.