5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.”
6Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa malaking punong ito, ‘Mabunot ka at malipat sa dagat!’ At susundin kayo nito.
7“Halimbawa, may alipin kayong nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa at kararating lang niya mula sa trabaho niya. Bilang amo sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika na, maupo ka at kumain’?
8Hindi! Sa halip, ito ang sasabihin ninyo, ‘Magbihis ka na at ipaghanda ako ng hapunan, at pagsilbihan mo ako habang kumakain. Saka ka na kumain pagkatapos ko.’
9Hindi pinasasalamatan ang alipin dahil ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin.