18Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Diyos maliban sa dayuhang ito?”
19Sinabi niya sa lalaki, “Tumayo ka at umuwi na. Pinagaling ka ng pananampalataya mo.”
20Minsan, tinanong ng mga Pariseo si Hesus kung kailan magsisimula ang paghahari ng Diyos. Sumagot siya, “Walang makikitang palatandaan na nagsisimula na ang paghahari ng Diyos.
21Kaya walang makapagsasabing, ‘Dito maghahari ang Diyos!’ o ‘Doon siya maghahari!’ Dahil naghahari na ang Diyos sa mga puso ninyo.”
22Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad niya, “Darating ang panahon na gugustuhin ninyong makita ang Anak ng Tao kahit isang araw lang, pero hindi pa iyon mangyayari.