20Minsan, tinanong ng mga Pariseo si Hesus kung kailan magsisimula ang paghahari ng Diyos. Sumagot siya, “Walang makikitang palatandaan na nagsisimula na ang paghahari ng Diyos.
21Kaya walang makapagsasabing, ‘Dito maghahari ang Diyos!’ o ‘Doon siya maghahari!’ Dahil naghahari na ang Diyos sa mga puso ninyo.”
22Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad niya, “Darating ang panahon na gugustuhin ninyong makita ang Anak ng Tao kahit isang araw lang, pero hindi pa iyon mangyayari.
23May mga magsasabi sa inyo, ‘Naroon siya!’ o ‘Nandito siya!’ Huwag kayong sasáma sa kanila upang hanapin ako.
24Sapagkat ang Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan.