1Nagkuwento si Hesus sa mga alagad niya upang turuan silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.
2Sabi niya, “Sa isang bayan ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang paggalang sa tao.
3Sa bayan ding iyon ay may isang biyuda na palaging pumupunta sa hukom at nagsasabi, ‘Bigyan nʼyo po ako ng katarungan at ipagtanggol nʼyo ako laban sa mga kaaway ko!’