Lucas 18

Dinala ng mga tao ang kanilang maliliit na anak kay Hesus upang patungan niya ng kamay at pagpalain. Nang makita iyon ng mga alagad ni Hesus, sinaway nila ang mga tao.

Luke 18:15 (UKJV) And they brought unto him also infants, that he would touch them: but when his disciples saw it, they rebuked them.

13“Ang maniningil naman ng buwis ay nakatayo sa malayo, at hindi man lang makatingala sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘Diyos ko, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan.’

14“Sinasabi ko sa inyo na ang maniningil ng buwis na iyon ay umuwing itinuring na matuwid ng Diyos, ngunit ang Pariseo ay hindi. Sapagkat ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

15Dinala ng mga tao ang kanilang maliliit na anak kay Hesus upang patungan niya ng kamay at pagpalain. Nang makita iyon ng mga alagad ni Hesus, sinaway nila ang mga tao.

16Ngunit tinawag ni Hesus ang mga bata, at sinabihan niya ang mga alagad niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Diyos.

17Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos na gaya ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.