Lucas 18

Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos na gaya ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Luke 18:17 (UKJV) Verily I say unto you, Whosoever shall not receive the kingdom of God as a little child shall in no wise enter therein.

15Dinala ng mga tao ang kanilang maliliit na anak kay Hesus upang patungan niya ng kamay at pagpalain. Nang makita iyon ng mga alagad ni Hesus, sinaway nila ang mga tao.

16Ngunit tinawag ni Hesus ang mga bata, at sinabihan niya ang mga alagad niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Diyos.

17Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos na gaya ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

18May isang pinuno ng mga Hudyo na nagtanong kay Hesus, “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

19Sumagot si Hesus, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Diyos lang ang mabuti, wala nang iba!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.