17Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos na gaya ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos.”
18May isang pinuno ng mga Hudyo na nagtanong kay Hesus, “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?”
19Sumagot si Hesus, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Diyos lang ang mabuti, wala nang iba!
20Alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, at igalang mo ang iyong ama at ina.’”
21Sumagot ang lalaki, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan mula pagkabata.”