Lucas 18

Sumagot ang lalaki, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan mula pagkabata.”

Luke 18:21 (UKJV) And he said, All these have I kept from my youth up.

19Sumagot si Hesus, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Diyos lang ang mabuti, wala nang iba!

20Alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, at igalang mo ang iyong ama at ina.’”

21Sumagot ang lalaki, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan mula pagkabata.”

22Nang marinig iyon ni Hesus ay sinabi niya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng ari-arian mo at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”

23Nalungkot ang lalaki nang marinig ito, dahil napakayaman niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.