30ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa mga iniwan niya, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.”
31Tinawag ni Hesus ang labindalawang alagad at sinabi sa kanila, “Makinig kayo! Pupunta tayo sa Jerusalem, at matutupad na ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao.
32Sapagkat ibibigay ako sa mga hindi Hudyo. Iinsultuhin nila ako, hihiyain at duduraan.
33Hahagupitin nila ako at papatayin, ngunit muli akong mabubuhay sa ikatlong araw.”
34Ngunit wala silang naintindihan sa mga sinabi ni Hesus, dahil itinago sa kanila ang kahulugan niyon.