Lucas 18

ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa mga iniwan niya, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.”

Luke 18:30 (UKJV) Who shall not receive manifold more in this present time, and in the world to come life everlasting.

28Sinabi ni Pedro, “Paano naman kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo.”

29Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang nag-iwan ng bahay, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos

30ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa mga iniwan niya, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.”

31Tinawag ni Hesus ang labindalawang alagad at sinabi sa kanila, “Makinig kayo! Pupunta tayo sa Jerusalem, at matutupad na ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao.

32Sapagkat ibibigay ako sa mga hindi Hudyo. Iinsultuhin nila ako, hihiyain at duduraan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.