27Sumagot si Hesus, “Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos.”
28Sinabi ni Pedro, “Paano naman kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo.”
29Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang nag-iwan ng bahay, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos
30ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa mga iniwan niya, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.”
31Tinawag ni Hesus ang labindalawang alagad at sinabi sa kanila, “Makinig kayo! Pupunta tayo sa Jerusalem, at matutupad na ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao.