38Sumigaw ang bulag, “Hesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”
39Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”
40Tumigil si Hesus at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Nang makalapit ang bulag, tinanong niya ito,
41“Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sumagot ang bulag, “Panginoon, gusto ko pong makakita!”
42Sinabi sa kanya ni Hesus, “Makakita ka na! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”