Lucas 18

“Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sumagot ang bulag, “Panginoon, gusto ko pong makakita!”

Luke 18:41 (UKJV) Saying, What will you that I shall do unto you? And he said, Lord, that I may receive my sight.

39Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”

40Tumigil si Hesus at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Nang makalapit ang bulag, tinanong niya ito,

41“Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sumagot ang bulag, “Panginoon, gusto ko pong makakita!”

42Sinabi sa kanya ni Hesus, “Makakita ka na! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”

43Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus nang nagpupuri sa Diyos. Nang makita ng mga tao ang nangyari, nagpuri rin sila sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.