Lucas 18

Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom?

Luke 18:6 (UKJV) And the Lord said, Hear what the unjust judge says.

4“Noong una ay hindi pinapansin ng hukom ang biyuda, pero sa bandang huli ay sinabi niya, ‘Kahit hindi ako natatakot sa Diyos at walang iginagalang na tao,

5bibigyan ko ng katarungan ang babaeng ito para hindi na niya ako gambalain ulit. Dahil kung hindi, iinisin lang niya ako sa kapaparito niya.’ ”

6Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom?

7Ang Diyos pa kaya ang hindi magbigay ng katarungan sa mga pinili niya na tumatawag sa kanya araw at gabi?

8Tinitiyak ko sa inyo na bibigyan niya agad sila ng katarungan. Ngunit pagbalik ng Anak ng Tao sa mundo, may makikita kaya siyang mga taong sumasampalataya sa kanya?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.