6Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom?
7Ang Diyos pa kaya ang hindi magbigay ng katarungan sa mga pinili niya na tumatawag sa kanya araw at gabi?
8Tinitiyak ko sa inyo na bibigyan niya agad sila ng katarungan. Ngunit pagbalik ng Anak ng Tao sa mundo, may makikita kaya siyang mga taong sumasampalataya sa kanya?”
9May mga tao roon na matuwid ang tingin sa sarili at humahamak sa iba. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito:
10“May dalawang lalaking pumunta sa templo upang manalangin. Ang isaʼy Pariseo at ang isa namaʼy maniningil ng buwis.