8Tinitiyak ko sa inyo na bibigyan niya agad sila ng katarungan. Ngunit pagbalik ng Anak ng Tao sa mundo, may makikita kaya siyang mga taong sumasampalataya sa kanya?”
9May mga tao roon na matuwid ang tingin sa sarili at humahamak sa iba. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito:
10“May dalawang lalaking pumunta sa templo upang manalangin. Ang isaʼy Pariseo at ang isa namaʼy maniningil ng buwis.
11Tumayo ang Pariseo at nanalangin tungkol sa kanyang sarili. Sinabi niya, ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi ako katulad ng iba na magnanakaw, mandaraya at mangangalunya o katulad ng maniningil ng buwis na iyon.
12Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo, at nagbibigay ako ng ikapu ng lahat ng kinikita ko!’