Lucas 18

Tumayo ang Pariseo at nanalangin tungkol sa kanyang sarili. Sinabi niya, ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi ako katulad ng iba na magnanakaw, mandaraya at mangangalunya o katulad ng maniningil ng buwis na iyon.

Luke 18:11 (UKJV) The Pharisee stood and prayed thus with himself, God, I thank you, that I am not as other men are, extortionists, unjust, adulterers, or even as this publican.

9May mga tao roon na matuwid ang tingin sa sarili at humahamak sa iba. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito:

10“May dalawang lalaking pumunta sa templo upang manalangin. Ang isaʼy Pariseo at ang isa namaʼy maniningil ng buwis.

11Tumayo ang Pariseo at nanalangin tungkol sa kanyang sarili. Sinabi niya, ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi ako katulad ng iba na magnanakaw, mandaraya at mangangalunya o katulad ng maniningil ng buwis na iyon.

12Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo, at nagbibigay ako ng ikapu ng lahat ng kinikita ko!’

13“Ang maniningil naman ng buwis ay nakatayo sa malayo, at hindi man lang makatingala sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘Diyos ko, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.