10Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.”
11Habang nakikinig ang mga tao, nagkuwento si Hesus sa kanila ng isang talinghaga, dahil malapit na sila sa Jerusalem at ang akala ng mga tao ay makikita na nila ang kaharian ng Diyos.
12Sinabi ni Hesus, “May isang maharlika na pumunta sa isang malayong lugar upang mahirang bilang hari, at pagkatapos ay babalik siya sa kanila.
13Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa mga alipin niya at binigyan sila ng magkakaparehong halaga ng pera. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, ‘Gawin ninyo itong puhunan sa negosyo hanggang sa bumalik ako.’
14“Ngunit ayaw sa kanya ng mga kababayan niya. Kaya pagkaalis niya, nagpadala sila ng mga kinatawan doon sa pupuntahan niya para sabihin sa kinauukulan na ayaw nila na maghari siya sa kanila.