Lucas 19

Habang nakikinig ang mga tao, nagkuwento si Hesus sa kanila ng isang talinghaga, dahil malapit na sila sa Jerusalem at ang akala ng mga tao ay makikita na nila ang kaharian ng Diyos.

Luke 19:11 (UKJV) And as they heard these things, he added and spoke a parable, because he was nigh to Jerusalem, and because they thought that the kingdom of God should immediately appear.

9Sinabi sa kanya ni Hesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham.

10Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.”

11Habang nakikinig ang mga tao, nagkuwento si Hesus sa kanila ng isang talinghaga, dahil malapit na sila sa Jerusalem at ang akala ng mga tao ay makikita na nila ang kaharian ng Diyos.

12Sinabi ni Hesus, “May isang maharlika na pumunta sa isang malayong lugar upang mahirang bilang hari, at pagkatapos ay babalik siya sa kanila.

13Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa mga alipin niya at binigyan sila ng magkakaparehong halaga ng pera. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, ‘Gawin ninyo itong puhunan sa negosyo hanggang sa bumalik ako.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.