7Nang makita ng mga tao na doon siya tumuloy sa bahay ni Zaqueo, nagbulung-bulungan sila, “Tumuloy siya sa bahay ng isang makasalanan.”
8Tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya man ako, ibabalik ko sa kanya nang makaapat na beses ang kinuha ko sa kanya.”
9Sinabi sa kanya ni Hesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham.
10Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.”
11Habang nakikinig ang mga tao, nagkuwento si Hesus sa kanila ng isang talinghaga, dahil malapit na sila sa Jerusalem at ang akala ng mga tao ay makikita na nila ang kaharian ng Diyos.