30Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang bisirong nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito.
31Kung may magtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyong kailangan ito ng Panginoon.”
32Kaya lumakad ang dalawang inutusan, at nakakita nga sila ng asno ayon sa sinabi ni Hesus.
33Nang kinakalagan na nila ang asno, tinanong sila ng mga may-ari, “Bakit ninyo kinakalagan iyan?”
34Sumagot sila, “Kailangan ito ng Panginoon.”