Lucas 19

Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang bisirong nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito.

Luke 19:30 (UKJV) Saying, Go all of you into the village opposite to you; in the which at your entering all of you shall find a colt tied, whereon yet never man sat: loose him, and bring him here.

28Pagkatapos magkuwento ni Hesus, nagpatuloy siya sa paglalakad at nanguna sa kanila papuntang Jerusalem.

29Nang malapit na sila sa mga nayon ng Betfage at Betania, sa bundok na kung tawagin ay Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa niyang alagad.

30Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang bisirong nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito.

31Kung may magtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyong kailangan ito ng Panginoon.”

32Kaya lumakad ang dalawang inutusan, at nakakita nga sila ng asno ayon sa sinabi ni Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.