26“Sumagot ang hari, ‘Tandaan ninyo: Ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa.
27Tungkol naman sa mga kaaway ko na ayaw pasakop sa akin bilang hari, dalhin nʼyo sila rito at patayin sa harap ko.’ ”
28Pagkatapos magkuwento ni Hesus, nagpatuloy siya sa paglalakad at nanguna sa kanila papuntang Jerusalem.
29Nang malapit na sila sa mga nayon ng Betfage at Betania, sa bundok na kung tawagin ay Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa niyang alagad.
30Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang bisirong nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito.