34Sumagot sila, “Kailangan ito ng Panginoon.”
35Dinala nila ang asno kay Hesus, at isinapin nila ang kanilang mga balabal nila sa likod ng asno at pinasakay si Hesus.
36Habang nakasakay siya sa asno, inilatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa dadaanan niya.
37Nang pababa na siya sa Bundok ng mga Olibo at malapit na sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at nagpuri nang malakas sa Diyos dahil sa mga himalang nasaksihan nila.
38Sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Kapayapaan sa langit, at papuri sa Kaitaas-taasan.”