36Habang nakasakay siya sa asno, inilatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa dadaanan niya.
37Nang pababa na siya sa Bundok ng mga Olibo at malapit na sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at nagpuri nang malakas sa Diyos dahil sa mga himalang nasaksihan nila.
38Sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Kapayapaan sa langit, at papuri sa Kaitaas-taasan.”
39Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga alagad mo.”
40Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: Kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”