Lucas 19

Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: Kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”

Luke 19:40 (UKJV) And he answered and said unto them, I tell you that, if these should hold their peace, the stones would immediately cry out.

38Sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Kapayapaan sa langit, at papuri sa Kaitaas-taasan.”

39Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga alagad mo.”

40Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: Kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”

41Nang malapit na si Hesus sa Jerusalem at nakita niya ang lungsod, umiyak siya.

42Sinabi niya, “Sana nalaman ninyo sa araw na ito kung ano ang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan. Ngunit natakpan ang inyong pang-unawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.