39Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga alagad mo.”
40Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: Kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”
41Nang malapit na si Hesus sa Jerusalem at nakita niya ang lungsod, umiyak siya.
42Sinabi niya, “Sana nalaman ninyo sa araw na ito kung ano ang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan. Ngunit natakpan ang inyong pang-unawa.
43Darating ang araw na papaligiran kayo ng kuta ng inyong mga kaaway. Papalibutan nila kayo at lulusubin sa magkakabilang panig.