41Nang malapit na si Hesus sa Jerusalem at nakita niya ang lungsod, umiyak siya.
42Sinabi niya, “Sana nalaman ninyo sa araw na ito kung ano ang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan. Ngunit natakpan ang inyong pang-unawa.
43Darating ang araw na papaligiran kayo ng kuta ng inyong mga kaaway. Papalibutan nila kayo at lulusubin sa magkakabilang panig.
44Lilipulin nila kayo at ang inyong mga anak, at wawasakin nila ang lungsod ninyo. Wala silang iiwang bato na magkapatong, sapagkat binalewala ninyo ang araw ng pagliligtas sa inyo ng Diyos.”
45Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at pinagtataboy niya ang mga nagtitinda roon.