Lucas 19

Lilipulin nila kayo at ang inyong mga anak, at wawasakin nila ang lungsod ninyo. Wala silang iiwang bato na magkapatong, sapagkat binalewala ninyo ang araw ng pagliligtas sa inyo ng Diyos.”

Luke 19:44 (UKJV) And shall lay you even with the ground, and your children within you; and they shall not leave in you one stone upon another; because you knew not the time of your visitation.

42Sinabi niya, “Sana nalaman ninyo sa araw na ito kung ano ang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan. Ngunit natakpan ang inyong pang-unawa.

43Darating ang araw na papaligiran kayo ng kuta ng inyong mga kaaway. Papalibutan nila kayo at lulusubin sa magkakabilang panig.

44Lilipulin nila kayo at ang inyong mga anak, at wawasakin nila ang lungsod ninyo. Wala silang iiwang bato na magkapatong, sapagkat binalewala ninyo ang araw ng pagliligtas sa inyo ng Diyos.”

45Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at pinagtataboy niya ang mga nagtitinda roon.

46Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.